Tuesday, August 18, 2009

Isang Liham Para sa Iyo

Ako ay namamangha sa minutong ito kung ako ba ay iniisip mo
Gaya ng pag iisip ko sa iyo
Maraming ulit ko din inakala na kita’y natagpuan na
Ngunit ang aking paghihintay ay di pa pala natatapos
Sa bawat umaga umaasa, nangangarap at nanabik na ikaw ay makilala
Paano kaya tayo magtatagpo
Ito ba ay kasing kulay ng isang eksena sa pelikula
O di kaya marahil ay matagal na kitang nakikilala
Ngunit kailangan kung matanto na tayo ay para sa isa’t isa
Sana ay nasa kin kang piling upang sagutin mo ang bawat kong katanungan
Minsan naitatanong ko sa king sarili
Talaga bang nakaramdam na ako ‘ng pagibig?
Di ko alam ang kasagutan sa kin tanong
Nagtitiwala ako balang araw ay darating din ang
Nakatakdang karapat dapat sa akin
Habang di pa kita natatagpuan
Di ko pa alam kung ano nga ba talaga ang pagibig
Di mo lang alam kung gaano ako
Kasabik sa iyong mga yakap
Sa sandaling ito iniisip ko kung paano mo ako mapapaibig
Marahil ako ay mabibighani ng iyong matamis na ngiti, mga mata o
Di kaya ay kung paano mo ako mapapasaya sa mga kwela mong biro
Di ko alam kung kailan
Ang aking dalangin ay nawa’y tulungan Niya ako na makilala ka
Kung dumating na ang takdang araw
Isipin ko na ang lahat ng mga pasakit na dinaanan ko ay mapapawi
Ilang patak ng luha ang dinanas sa simula pa lang ng aking paghahanap
Nais kong malaman mo na ako ay humuhugot ng lakas sa king pananaw
Na may magandang bukas ang sa kin ay naghihintay
At yan ay ang buhay na tayong dalawa ay magkasama
Sa king puso at isipan
Alam ko na di nasayang ang aking mga pagtitiis at pagpapakasakit
Sa kabila ng lahat
Sadyang bahagi na nga buhay ang kalungkutan
Gaya ng luha unti unting nitong hinuhugasan ang aking kakulangan
Upang ako ay maging ganap at perpekto
Hindi sa totoong batayan kundi
Ako ay maging karapat dapat sa iyo
Alam ko na ikaw din ay dumaan sa matinding hirap o pagpapakasakit
Ikaw ba kaya ay nasaktan na ng kung ilang ulit sa iyong paglalakbay sa buhay
Mahal ko, huwag kang sumuko sapagkat andito lang ako
Matiyagang naghihintay sa iyo
Tinitiyak ko sa sandaling ang landas natin ay magtagpo
hihilumin ko ang iyong mga sugat ng aking pagmamahal
sa gabi tatanawin ko ang magandang langit
n asana ay pinagmamasdan mo din at iniisip ako
ipaparating ko ang aking panalangin at daing sa kalangitan
na ang aking diwa ay makakarating sa iyo
at kung ako ay mainip, ipipikit ko lang ang aking mga mata
maniniwala na ikaw ay padating na at nanabik na masilayan ako
sa king pagtulog parati kang nasa isip
tanging yan lang sa ngayon ang paraan upang ikaw ay makapiling
at masabi sa iyo pinakamamahal kita.
Sa king panaginip papawiin mo ang aking pangamba sa pamamagitan ng iyong mga yakap
Ang lahat ng ito ay nagbibigay sa kin ng lakas na harapin ang isang bagong umaga
At umaasa na ika’y di lamang isang pangarap kundi katotohanan
Di nasayang ang aking paghihintay
Aking babalikan ang nakaraan na mgay ngiti sa labi
Lahat ng aking dinanas malungkot man o masaya
Ako ay nagpapasalamat dahil ang lahat ng iyon
Ang nag ugnay sakin tungo sa iyo
Samantala paki ingatan mo ang iyong sarili para sa kin
Maniwala ka sa yong pangarap at wag kang susuko
Magtiwala ka sa iyong puso na balang araw
Landas natin ay magtatagpo kahit ano pa ang mangyari.

No comments:

Search This Blog